INAPROBAHAN ng Philippine Olympic Committee (POC) board ang criteria na inihain ng Philippine Chef de Mission para sa 18th Asian Games, kung saan hinikayat mismo ni POC president Jose “Peping” cojuangco ang mga National sports Associations (NSAs) na magpakitang gilas sa training ang mga atleta na kakatawan sa bansa para sa nasabing quadrennial meet na gaganapin sa Indonesia.

Kabilang sa naturang kriterya ang mga atleta na suportado ng mga private institution, para sa Asian games at 2020 olympic games sa Tokyo, kasalukuyang olympic Solidarity scholars at mga atleta na may best time, distance at nakagawa ng mgandang score sa kanilang mga sports na nakatapos ng top 8 sa Wolrd Championship at World cup.

Sinabi ni Cojuangco na kailangan umano na pagtuunan ng pansin ng mga NSAs ang pagsasanay ng mga atletang isasabak nila sa nasabing kompetisyon lalo na ang pagiging kundisyon ng mga ito at pati na rin ang nutrisyon ng mga atleta.

“NSAs must also focus during the training on the strength conditioning and nutrition of their Asiad bound athletes,”pahayagng POC prexy.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasama rin sa naturang inaprobahang kriterya ang mga atleta na nasa top four sa 2015 Asiad, top four nga Asian Championship at Asian Cup, mga gold at sivle medalists ng 2017 Southeast Asian gamesat ng Asian Indoor and Martial Arts games (AIMAG) at ang mga hindi nakapasok sa qualifying standard ngunit nakapagpakita ng potensyal upang tapatan o higitan ang kanilang mga oras para sa Asiad.

Ang panghuling kriterya ay ang pagsunod ng mga atleta sa anti-doping rules and requirements.

Samanatala, gaganapin sa dalawang venus and nasabing quadrennial meet , ang isa ay sa jakarta at ang isa ay sa Palembang, kung saan may 40 sports na paglalabanan, 67 disciplines at 462 events.

May nakalaan na 48 gold medals para sa Athletics na siyang paglalabanan, 41 sa swimming, 10 sa diving. ang iba pang sports na kasali ay ang Archery, basketball, badminton, baseball, rugby, softball, volleyball, fencing, kurash and sambo, hockey, weightlifting, wrestling, taekwondo, wushu, kabaddi, table tennis, judo, jijutso, karate, boxing, pencak silat, squash, handball, golf, cycling, paragliding, football, triathlon, canoe, bowling, tennis, soft tennis, sport climbing, shooting, sepak takraw, roller sport, at bridge.- Annie Abad