Tutuparin ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa ang kanyang tungkulin hanggang sa huling araw, subalit bukas siya sa anumang posisyon kasunod ng kanyang pagreretiro halos dalawang buwan simula ngayon.

Nakatakdang magretiro si Dela Rosa sa Enero 22, 2018 at ang kanyang kinabukasan ay nakadepende kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“If I will be given the opportunity to choose, I’d want to be with the Bureau of Corrections in order to solve the problems of illegal drugs in the national penitentiary. Okay lang kung mapunta ako doon as director. Hindi ‘yong nakakulong ha?” pahayag ni Dela Rosa.

Sinabi ng PNP chief na tinitimbang din niya ang pagtakbo sa Senado, ngunit hindi kinumpirma kung talagang tatakbo siya sa susunod na halalan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“‘Pag sinabi ko kasi categorically na, ‘Yes tatakbo ako,’ wala, patay na. Bog! Bog! Bog! Bubugbugin ka, eto na: ‘Si Bato tumatakbo na,’ bugbugin ka n’yan.” - Fer Taboy