NANATILING walang bangas ang marka ng National University at Ateneo sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament para manatiling sosyo sa liderato nitong Miyerkules sa Filoil Flying V Centre.

uaap copy

Nginata ng Bullpups ang Adamson University, 94-82, habang dinagit ng Blue Eaglets ang University of the East Junior Warriors, 97-47, para maitarak ang ikaapat na sunod na panalo.

Sa iba pang resulta, naungusan ng University of Santo Tomas ang defending champion Far Eastern University-Diliman sa overtime, 83-79, para makopo ang solong ikalawang puwesto na may 3-1 karta, habang nagwagi ang De La Salle-Zobel sa UP Integrated School, 79-73, para sa unang panalo sa tatlong laro.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Nanguna si Terrence Fortea sa naiskor na 26 puntos, habang kumana si Rhayyan Amsali ng 14 puntos, 12 rebounds at apat na assists sa NU na pinangangasiwaan ng bagong coach na si Goldwyn Monteverde.

Hataw naman si Joaquin Manuel, nakababatang kapatid ni dating University of the Philippines star Jett, sa nakubrang 15 puntos para sa Ateneo, habang humugot si SJ Belangel ng 13 puntos, pitong assists at limang rebounds.

Kumana si John Cansino ng 29 puntos at 11 rebounds para sa Tiger Cubs at makabawi sa kabiguan sa Bullpups, 85-89, nitong Linggo.

Nakabawi ang Baby Tamaraws, sa pangunguna ni RJ Abarrientos na may 16 puntos, pitong rebound, at anim na assists.

Nanguna si Chris Calimag na may 18 puntos sa Junior Archers na sumosyo sa three-way tie kasama ang Junior Maroons at Baby Falcons na may 1-3 karta.

Tanging ang Junior Warriors ang koponan na wala pang panalo matapos bumagsak sa 0-4.