Ni: Marivic Awitan

MATAPOS ang makasaysayang back-to-back championship sa PBA Governors’ Cup, maglalaan ng isang buong araw na kasiyahan ang Barangay Ginebra San Miguel para sa kanilang ang die-hard fans ngayon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Libre para sa lahat ang ‘thanksgiving party’ ngunit ang pagpapapasok ay first-come, first-served basis.

Magbubukas ang lahat ng mga gates ng 11:00 ng umaga. Ngunit para sa seguridad ng lahat, hinihiling ng organizers na huwag ng dumalo ang mga buntis, mga nakatatanda at may kapansanan. Ang mga batang may edad na mas mababa sa 12-anyos ay papapasukin lamang kung may kasamang magulang o guardian.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“This is going to be our second celebration and this one is for our fans. This is our way of giving back to them.

They’re the ones who bring life to our team and we’re not going to be here right now if not for them,” pahayag ni Ginebra head coach Tim Cone.

“Everyone knows that we have the best fans in the league and we want to do everything we can to make them happy. The team and I are looking forward to spending time with everyone,” sambit naman ni Mark Caguioa.

Sa nakaraang victory party ng Gin Kings sa San Miguel Corporation (SMC) headquarters sa Mandaluyong City, kinilala ni SMC president at COO Ramon S. Ang ang Barangay Ginebra San Miguel fans sa kanilang walang sawang pagsuporta sa team.

“Salamat sa lahat ng fans. Kayo ang patuloy na nag-iinspire sa team. Kundi dahil sa inyo, wala po tayo dito ngayon,” pahayag ni Ang.