Ni JIMI ESCALA

MASAYANG-MASAYA si Diego Loyzaga. Bukod kasi sa extended ang Pusong Ligaw ay pinupuri pa ng viewers ang acting niya sa serye.

Diego copy

“Salamat talaga sa kanilang lahat,” sabi ng young actor. “Wala na akong masasabi sa suporta nila at sa mga papuri na tinanggap ko. Pero I think naman sina Direk can see na I’m always happy ‘pag nasa work ako.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“I am always ready, willing to do kung ano ‘yung susunod na eksena. I am also excited sa project naming ito. I’m really focused now on what I am doing sa taping sa craft, sa acting, that’s my whole world right now.”

Focused daw siya ngayon sa trabaho na ipinagpapasalamat niya sa ABS-CBN lalo na’t ipinagkatiwala sa kanya ang role na ginampanan niya.

“Sobrang saya ko talaga dahil binigyan ako ng Star Creatives ng ganitong role and ‘yung chance na ipakita ko kung ano ‘yung mga kaya ko pang gawin sa larangan ng pag-arte,” sey ni Diego.

Dagdag pa ng actor, dahil sa halos araw-araw nilang pagkikita at pagkakaroon ng eksena ng nauugnay sa kanyang si Sofia Andres ay mas napapalapit sila sa isat isa.

“Pakiramdam ko, eh, wala na yatang mas iko-close ‘yung relationship namin. Halos three years na kaming together, working together. And doon naman sa years na ‘yun, eh, preparation pa lang para sa halos araw-araw na rin kaming magkasama.”

Bukod sa Pusong Ligaw ay magkasama rin sila ni Sofia sa pelikulang Mama’s Girl.

“Hindi lang naman kami MWF magkasama. May isa pa kaming project na magkasama na katatapos lang, ito ‘yung Mama’s Girl,” sey ng bagets.

“Sundays lang ‘yung parang hindi, so ‘yon, of course, sobrang na-develop talaga kami. And I don’t think kung meron pang mas ide-develop ‘yung relationship naming dalawa,” seryoso pang kuwento niya.

Kaya napapailing na lang si Diego sa lumabas kamakailan “break” na raw sila ni Sofia.

Siguro naman daw lahat ng love teams ay may ganitong isyu.

“People will always put something there para sirain ‘yun para may pag-uusapang isyu. Kaya binabale wala na lang naming ‘yun,” seryosong sabi pa ni Diego.