HULING EL BIMBO! Akmang kukunin ni Kib Montalbo ng La Salle ang bola matapos humulagpos sa rebound ng magkasanggang sina Thirdy Ravena (kanan) at Anton Asistio  sa kainitan ng kanilang laro sa Game 2 ng UAAP Season 80 best-of-three Finals sa Smart- Araneta Coliseum. (MB photo | RIO DELUVIO)

BUMALIKWAS ang La Salle Green Archers sa matikas na ratsada sa third period para maagaw ang 92-83 panalo kahapon sa Game 2 at buhayin ang kampanya na maidepensa ang korona sa UAAP Season 80 men’s basketball championship sa Araneta Coliseum.

Sa pangunguna nina Richie Rivero at Nigerian Ben ‘Big Ben’ Mbala, hataw ang Green Archers sa 26 puntos sa third period, habang nalimitahan ang Eagles sa walong puntos para agawin ang bentahe sa 68-59.

Dominante ang Ateneo sa unang dalawang period at nagawang makalamang nang mahigit sa 14 puntos mula sa anim na three-pointer ni Anton Asistio. Naisara ng Blue Eagles ang halftime sa 51-42.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Gaganapin ang do-or-die Game 3 sa Linggo.

Nagpatuloy ang mainit na opensa ng Archers para sa 72-65 bentahe tungo sa huling anim na minuto.