AMED (Reuters) – Isinara ng Indonesia ang paliparan nito sa Bali sa ikatlong magkakasunod na araw nitong Miyerkules dahil sa volcanic ash cloud, sa patuloy na pag-aalburoto ng Mount Agung na pumaralisa sa flights sa bakasyunang isla at nagbunsod ng mass evacuation ng mga residente sa paligid ng bulkan.

Sarado ang ikalawang pinakamalaking paliparan ng Bali hanggang 7:00 ng umaga ngayong Huwebes, ayon sa transport ministry.

Umabot sa 443 flights, kapwa domestic at international, ang apektado ng pagsara ng paliparan, na nasa 60 km ang layo mula sa Mount Agung.

Huling sumabog ang bulkan noong 1963 na ikinamatay ng mahigit 1,000 katao at ilang pamayanan ang nasunog.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina