Ni: Samuel Medenilla

Simula sa susunod na linggo, maaari nang makuha ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang pinakahihintay nilang identification card (ID) mula sa Department of Labor and Employment (DoLE) upang mapabilis ang kanilang transaksiyon sa gobyerno.

Sa isang text message, sinabi ni Bernard Olalia, Labor undersecretary at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) officer-in-charge administrator, isinasapinal na nila ang memorandum of agreement (MOA) para sa pagpapatupad ng kanilang integrated DoLE System o iDoLE system.

Sa pamamagitan ng iDoLE system, maaaring ma-access ng kanilang users, sa pamamagitan ng OFW ID, ang kanilang datos sa POEA, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Bureau of Immigration (BI), Manila International Airport Authority (MIAA), Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), at Department Foreign Affairs (DFA).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nitong Linggo, sinabi ni Olalia na lumagda na sa MOA para sa iDoLE ang lahat ng nabanggit na ahensiya maliban sa DFA.

“By first week of December we will roll out the ID,” ayon kay Olalia.

Sinabi niya na nakikipagtulungan na sila sa APO Production Unit, isa sa mga lalagda sa MOA, para sa pag-iimprenta sa OFW IDs.

“Once it is printed they (OFW) could pick it up or may be delivered by APO to a location of their liking. They could also pick it up in POEA,” ani Olalia.