Ni NORA CALDERON

AFTER maglabas ng saloobin sa pamamagitan ng open letter sa fans last Sunday, nag-report na rin si Maine Mendoza sa Eat Bulaga kinabukasan. Pero nasa Calumpit, Bulacan siya sa sugod-bahay ng “Juan For All, All For Juan” segment.

MAINE copy

Si Alden Richards naman, nasa Broadway studio, kasama ng Dabarkads. Pero hindi nagtagal si Alden na nagpaalam dahil sa stomach pain, at na-food poison pala.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kinagabihan ay um-attend si Maine ng premiere night ng Barbi: D’Wonder Beki sa SM Megamall Cinema 7. Sa kanyang Instagram story, nakitang hawak niya ang ticket ng premiere night, at nakasulat ang “Here to support my Kuya Pao.”

Kinunan din niya ang paglalakad nina Paolo Ballesteros at Ejay Falcon papasok sa cinema. Pero hindi na siya pumasok ng theater para manood ng movie. Nakasama niya sa short program sina Paolo, ang teen love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, Ejay, Ruby Rodriguez at si Direk Tony Reyes with the producers of OctoArts, T-Rex Entertainment at M-Zet Productions.

Later in the evening, nakita namin ang tweet ni Maine sa Twitter account niyang @mainedcm na: “You are all right, I deserve all the hate in the world because I am such a coward and a selfish little brat. I get it and I understand.”

Probably, sagot ito ni Maine sa patuloy na bashings sa kanya ng haters. Tumanggap siya ng mahigit limang libong retweets at more than 26K likes. Pero mas maraming tweets ang nagpahayag ng love and support kalakip ang prayers para sa kanila ni Alden.

Ang pinakamaganda, nagkasundo ang AlDub Nation na patunayan ang suporta nila sa dalawa, dahil sa Thursday, November 30, may show of support sila na magaganap sa Broadway studio:

“AlDub Nation supports AlDub as a love team, Alden as an artist, Maine as an artist. Let’s all go to Broadway Centrum on November 30, Thursday at 9:00AM tp affirm our support to them.”