Ni: Jel Santos

Nasakote ang dating kongresista ng Rizal, na may apat na arrest warrant, sa loob ng kanyang condominum unit sa Mandaluyong City, kahapon ng umaga.

Mayroong apat na arrest warrant si dating Rizal 1st District Rep. Joel Roy Duavit dahil sa paglabag sa RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children.

Dala ang apat na arrest warrant, inaresto ng grupo ni SPO4 Jose Drexell Molina, Mandaluyong City Police warrant and subpoena chief, si Duavit sa loob ng kanyang condo sa North Tower ng Shangrila sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City, bandang 9:30 umaga.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ayon sa mga ulat, si Duavit ay “very defiant to the arresting cops.”

Inakusahan ni Elvira Escueta Duavita ang asawa ng pang-aabusong verbal, emosyonal at pisikal.

Enero 7, 2010 nang inakusahan ng ginang si Duavit ng umano’y panghahawa ng “genital warts”, ayon sa dokumento.

Sinabi ng ginang na Mayo 2010 nang dumanas siya ng verbal at emosyonal na pang-aabuso mula sa kongresista, nang ikumpara siya nito sa kanilang kasambahay, at minaliit din nang sabihan siyang matanda sa harap ng ibang tao.

Dumanas din umano ang ginang ng verbal at emosyonal na pang-aabuso noong Nobyembre 7, 2004, nang sinabihan siya ng dating kongresista ng masasakit na salita. Sa kaprehong araw, inakusahan ng ginang ang mister ng pisikal na pang-aabuso, na nauwi sa pananatili niya sa ospital ng pito hanggang siyam na araw.

Lahat ng pang-aabuso ay naganap sa kanilang bahay sa San Juan City.

Nagpiyansa ang dating kongresista, bandang 2:00 ng hapon kahapon, at ng kabuuang P134,000 para sa apat na arrest warrants na inisyu ng Branch 162 ng San Juan City Regional Trial Court.