Ni NORA CALDERON

SA stature ngayon ni Alden Richards, hindi niya kinakalimutang magpasalamat sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya. Patuloy siyang nakatatanggap ng bagong endorsements, events para sa mga ini-endorse niyang products, at guestings sa iba’t ibang show ng GMA-7.

Sa katunayan, nahihirapan ang GMA Artist Center kung minsan na magbigay ng schedule sa mga humihingi sa kanila ng simpleng presence ni Alden sa events.

ALDEN  Richards
ALDEN Richards
Tulad nitong nakaraang Friday, after ng Eat Bulaga, naimbita siya para sa opening ng isang bazaar na ang proceeds ay ido-donate sa pamilya ng mga sundalong lumaban sa Marawi. Nakasama niya si Pops Fernandez. Natuwa siya na nakaganap siya sa katauhan ng isa sa mga naturang sundalo sa episode ng drama anthology na Magpailanman. Kinagabihan, dumalo sila ni Maine Mendoza ng event ng AlDub Nation na “Timeless.” Araw-araw, ganito kapuno ang schedule niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya sa Christmas na lamang daw siya magbabakasyon kasama ang buong pamilya. Tatapusin na muna niya ang commitments niya hanggang bago mag-Christmas. As early as January 20, 2018, mayroon na siyang naka-schedule na concert sa Sydney, Australia.

May isang teleserye nga sana siyang gagawin, pero ngayon ay si Ruru Madrid na ang gagawa.

“Alam ko nga po iyon, pero baka po naiba ang story kaya ibinigay kay Ruru,” sabi ni Alden. “Wala pong bagay sa akin iyon, kasama ko si Ruru sa Sunday Pinasaya, at nakikita ko na mahusay siyang actor, very professional at masaya ako kung sa kanya ibinigay ang teleserye, alam ko magagampanan niyang mabuti ang role na ibinigay sa kanya. Basta thankful po ako sa lahat ng mga blessings na patuloy na dumarating sa akin.”

With regards sa next movie na gagawin nila ni Maine, hinihintay na lamang nila ang pasabi ng producers kung kailan magsisimula ang shooting, sa direksiyon pa rin ni Mike Tuviera.