Ni ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN

Inaresto ang isang tricycle driver nang maaktuhang kinukuha ang pera mula sa donation box ng isang simbahan sa Quezon City, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng mga tauhan ng Cubao Police Station (PS-7) ang lalaki na si John Rey Adriano, 40, taga-Tondo, Maynila.

Ayon kay Ramil Andrada, altar server ng Nativity of the Lord Parish sa Ermin Garcia Street sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City, dumating siya sa simbahan sa ganap na 6:30 ng umaga para sa ilang gawain.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kanyang pagpasok sa simbahan, nahuli niyang kinukuha ni Adriano, gamit ang screw driver, ang pera mula sa donation box.

Agad nilapitan at kinumpronta ni Andrada si Adriano at dinala sa kanilang barangay hall. Inamin ni Adriano, na hindi pumalag, ang maling ginawa.

Idiniretso ng mga barangay officials ang suspek sa PS-7.