HINDI na nagparamdam ang basher ni Rocco Nacino na sarkastikong nagtanong ng kanyang educational attainment dahil kay Sanya Lopez. Wala na sigurong masabi ang basher ngayong balitang-balita na nag-graduate si Rocco ng R.N. M.A.N. (Registered Nurse, Master of Arts in Nursing) at cum laude pa.

Puwede palang maging professor o kaya’y clinical instructor si Rocco with his new course. Pero, siguradong hindi niya maiiwan ang showbiz na kanyang minahal noon at ngayon.

Napapanood ngayon si Rocco sa afternoon soap na Haplos kapareha ang ka-love team na si Sanya Lopez.
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter