DAVAO CITY – Nasa 350 bahay ang naabo sa anim na oras na sunog sa Purok 1, Muslim Village sa Kilometer 11, Barangay Sasa, Davao City, nitong Biyernes.

Bandang 11:00 ng umaga nang magsimula ang sunog, na mabilis na kumalat sa magkakatabing bahay at establisimyento dahil na rin sa lakas ng hangin, bukod pa sa gawa sa light materials ang mga istruktura.

Kabilang sa mga natupok ang Sasa Public Market at ang bahagi ng Sasa Wharf.

Dakong tanghali nang itaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang general alarm, hanggang sa tuluyang maapula ang apoy bandang 3:15 ng hapon.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Tinatayang aabot sa P3 milyon ang ari-ariang natupok, habang nakatuloy naman ngayon sa mga makeshift tent at sa Fatima Gym ang mga nasunugan.

Aabot sa 800 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog, ayon sa City Social Services and Development Office (CSSDO).

Wala namang nasugatan o nasawi sa insidente. - Yas D. Ocampo