Patay ang magkapatid na bata makaraang masunog ang kanilang bahay sa Bansud, Oriental Mindoro, nitong Biyernes.

Inihayag ni Chief Insp. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-4B (Mimaropa), na tatlong iba pang kaanak ng mga bata ang nasugatan: sina Romano Areglado, Cecilia Areglado, at ang 72-anyos na si Ema Areglado.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Robert Areglado, 4; at Rose Ann Areglado, tatlong taong gulang.

“Based on the report, the fire started at 8:20 a.m. (Friday) but it was reported to the local fire station at 9:00 a.m.,” sabi ni Tolentino.

<b>Camille Villar nangakong paiigtingin ang suporta sa Agrikultura, Edukasyon, at maliliit na negosyo sa kandidatura sa Senado</b>

Umabot sa dalawang oras bago tuluyang naapula ang pagliliyab sa bahay ng mga biktima sa Sitio Sta. Fe sa Barangay Villapagasa, Bansud.

Sa tatlong nakaligtas, nananatiling nasa ospital ang 72-anyos na matanda sa matinding sunog na natamo. - Aaron B. Recuenco