Ni: Gilbert Espeña

KASUNOD ng pahayag na nagsasawa na sa magulong politika, nagpahiwatig si eight division world champion at Senador Manny Pacquiao na lalabanan niya si UFC lightweight champion Connor McGregor sa isang boxing match sa 2018.

Sa kanyang unang laban sa boksing, naging agresibo si McGregor pero natalo sa 10thround knockout kay dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. sa multi-million-pound bout nitong Agosto sa Las Vegas, Nevada.

Ipinakita ni Pacquiao ang paghamon kay McGregor, sa post ng litrato nito sa kanyang Twitter at Instagram accounts habang nakaupo at nagre-relax ang Irish fighter sabay sabing: “Happy Thanksgiving @TheNotoriousMMA Stay fit my friend. #realboxingmatch #2018.” Pero wala pang reaksiyon si McGregor sa kantiyaw ng Pinoy boxer.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Pacquiao ang ikalawang boksingero na naghamon kay McGregor matapos ihayag ni Olympic gold medalist at ten-time world champion Oscar dela Hoya na patutulugin niya ang MMA star sa loob ng dalawang rounds.

“You know I’m competitive. I still have it in me. I’ve been secretly training, secretly training. I’m faster than ever and stronger than ever,” sabi ni Dela Hoya sa kanyang radio show na ‘Golden Boy Radio’ “I know I can take out Conor McGregor in two rounds. I’ll come back for that fight. Two rounds. Just one more [fight]. I’m calling him out.”

“Two rounds, that’s all I need. That’s all I’m going to say. You heard it on Golden Boy Radio. Two rounds, that’s all I need,” dagdag ni Dela Hoya.