YANGON (AFP) – Sisimulan ng Bangladesh at Myanmar ang pagpapauwi sa refugees sa loob ng dalawang buwan, inihayag ng Dhaka nitong Huwebes.

Sinabi ng United Nations na 620,000 Rohingya ang dumating sa Bangladesh simula Agosto at ngayon ay naninirahan sa pinakamalaking refugee camp sa mundo na resulta ng pagtugis sa mga ito ng militar sa Myanmar na inilarawang ''ethnic cleansing''.

Matapos ang ilang buwang diskusyon, nilagdaan nina Myanmar civilian leader Aung San Suu Kyi at Foreign Minister A.H. Mahmood Ali ng Dhaka ang kasunduan sa kabisera ng Myanmar, ang Naypyidaw, nitong Huwebes. Nakasaad dito na isang working group ang itatatag sa loob ng tatlong linggo upang ayusin ang repatriation.

''This is a primary step. (They) will take back (Rohingya). Now we have to start working,'' sinabi ni Ali sa mga mamamahayag sa Naypyidaw.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina