Ni: Gilbert Espeña

SUSULONG ang 3rd edition ng Bato Invitational Chess Cup na itinaguyod ni Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa Nobyembre 28 sa Camp Crame, Quezon City.

Magsisilbing punong abala ang class 92 ng Philippine Military Academy (PMA) sa gabay nina P/Sr. Supts. Jonnel Estomo at Steve Ludan na inorganisa nina P/ Supt. Peter Ulimbauan at SPO3 Jomar Pascua ng Headquarters Support Service kung saan ang one day rapid event ay may time control na 20 minuto time delay format.

Ayon kina Estomo at Ludan, layunin ng torneo na madiskubre ang lahat ng pinakamatinik na woodpushers mula sa hanay ng PNP ngunit bukas din ito sa mga imbitadong woodpushers.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Seselyuhan nina International Master Chito Garma, Woman National Master Christy Lamiel Bernales, Thailand Blitz king Alvin Roma at Philippine Executive Chess Champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe ang listahan ng guest players at participants sa event na layunin din na mapasigla ang camaraderie at fellowship sa mga manlalaro ng chess at hanay ng pulisya.