PAGLALABANAN ng defending boys’ champion National University at University of Santo Tomas ang nalalabing Finals slot ng UAAP Season 80 high school volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Naipuwersa ng Bullpups ang ‘winner-take-all’ nang gapiin ang second-ranked Tiger Cubs, 25-16, 25-21,17-25, 26-28, 15-11, nitong Linggo.

Nakatakda ang duwelo ganap na 8:00 ng umaga.

Naunang umusad sa kauna-unahang Finals ang Far Eastern University-Diliman ang gapiin ang fourth-ranked University of the East, 22-25, 25-23, 28-30, 25-17, 15-12, nitong Linggo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Naungusan ng Tiger Cubs ang Bullpups, 25-23, 12-25, 25-22, 22-25, 15-10, nitong Biyernes para makamit ang twice-to-beat bonus.

Nakatakda naman sa Lunes ang duwelo ng NU at UST sa Game 1 ng kanilang best-of-three championship sa girls division sa San Juan Arena.