Ni REGGEE BONOAN

HAWAK ni Bimby Aquino Yap ang ipinadala ng Leslie Corporation sa Mama Kris Aquino niya na isang giant sack ng Leslie’s Clover Chips na naglalaman ng 52 variants ng nasabing produkto bilang pasasalamat sa post kamakailan ni Kris na nag-viral at siguradong nagpataas ng sales nila.

KRIS AT BIMBY copy

Nabanggit ni Kris sa naturang post na paborito nilang snacks ang nasabing produkto.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Caption ni Kris sa bagong post niya sa Instagram, “WHOA! A HUGE zippered SACK of all Leslie’s snacks because they just wanted to say thank you to me for liking Clover Chips so much -- believe me that the 5 year old Kris is just super kilig to have all of this chichirya.”

Kinunan ni Kris ang 52 piraso ng Leslie products at sabay post, “Because curious tayong lahat sa laman -- there were 52 packs total inside the giant Clover Chips zippered sack -- I now want to befriend the Leslie’s people because this would seriously make such a fun Christmas gift!”

Hayan Leslie Corporation people, nagparinig na si Kris na magandang pamasko ang mga produkto ninyo at dahil ipinost na niya ito sa kanyang IG account, tiyak na lalo pang lalakas ang benta ng Clover Chips. Itutuloy n’yo ang suwerte kung kukunin pa siyang endorser at gagawan ng TVC para sa kanyang webisodes.

Masarap naman talaga ang mga produkto ng Leslie Corporation at pareho kami ni Kris na bata pa ay ito na ang nakagisnan naming kutkutin. Ang paborito namin ay ang cheese flavor bukod sa barbecue.

Samantala, napakaganda ng nasulat na analysis kamakailan sa www.spot.ph na may titulong “The Kris Aquino Channel: Why It’s Got Everyone Hooked.”

Nabanggit ang lahat ng intrigang pinagdaanan ng Queen of All Media simula noong pumasok siya sa showbiz pero kahit na anong mangyari ay hindi pa rin iniwan si Kris ng mga tagahanga niya. Sa katunayan, lalo pang dumarami ang supporters ng mama nina Joshua at Bimby. Bukod kasi sa mga dati nang sumusubaybay sa career ni Kris, pati millennials aliw na aliw din sa kanya at panay ang gawa nila ng memes na photos ni Kris ang ginagamit.

Hindi man kasi perpekto sa paningin ng iba, tumatandang may pinagkatandaan si Kris at nagiging magandang ehemplo ngayon bilang tao, magulang, kapatid, entrepreneur/employer, at kaibigan. Ito siguro ang dahilan kung bakit siya pa rin ang pinaka-effective na endorser.

Kaya naman sa bawat kilos at bawat post niya sa social media, milyun-milyong mga kababayan natin ang talagang nakasubaybay.

Sabi nga ng mga nanay na tumitingala kay Kris, “’Yan ang tama, maski ilang beses nadapa, laging bumabangon at nagtatagumpay. How to be you po, Ms. Kris?”