B2B! Nakopo ng NU Lady Bulldogs ang ikalawang sunod na kampeonato sa UAAP women’s taekwondo competition.
B2B! Nakopo ng NU Lady Bulldogs ang ikalawang sunod na kampeonato sa UAAP women’s taekwondo competition.

KINUMPLETO ng National University ang dominasyon sa impresibong 6-0 sweep para makopo ang women’s team championship sa ikalawang sunod na taon nitong weekend sa UAAP Season 80 taekwondo tournament sa Blue Eagle Gym.

Senelyuhan ng Lady Bulldogs ang impresibong kampanya sa matikas na 5-2 panalo kontra University of the Philippines.

Nauna ito, winalis din ng NU men’s team ang kanilang dibisyon para makamit ang unang kampeonato.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Tinanghal na Most Valuable Player si flyweight Rheza Aragon, habang nasungkit din ni bantamweight Baby Jessica Canabal ang isa pang gintong medalya sa NU.

Nakopo naman ni welterweight Arven Alcantara, silver medalist sa 2017 Southeast Asian Games, ang MVP honor sa men’s class nang pangunahan ang three-gold haul ng Bulldogs.

Nagwagi rin ng gintong medalya sina flyweight Noel Sabillano at middle-heavyweight Dave Cea.

“Hindi po basta-basta ang ginawa po namin. Kasi, from seventh place, naging second runner-up, naging first-runner up, tapos ito. Nakuha namin ang championship,” sambit ni Alcantara, naglaro sa kanyang huling season sa Bulldogs.

“Sobrang sarap ng feeling. Hindi ko maipaliwanag ang sarap.”

“Laging sinasabi ng coach namin na si sir Jeff Figueroa na huwag makuntento. Dahil ang tao, walang limitasyon. Mangarap lang. Trabahuin para matupad,” aniya.

Pinangunahan naman nina featherweight Pauline Lopez, finweight IT Bermejo at welterweight Danielle Morales, ang Ateneo sa ikalawang puwesto sa women’s division tangan ang 4-2 karta.

Nakopo naman ng UP, sa pangunguna ni featherweight Joshua Lazaro ang ikalawang puwesto sa men’s side.