Ni NORA CALDERON

“The queen has arrived @mainedcm slaying as usual #BenchUnderTheStars.

Nakita nga sa video ang pagpasok ni phenomenal star Maine Mendoza sa Mall of Asia Arena, sa unang pagrampa niya as a Bench endorser, titled “Bench Under The Stars.” Buhat-buhat siya ng ilang kalalakihang models din ng Bench, with matching umbrella bago dahan-dahan siyang ibinaba sa gitna ng stage. Kahit ninenerbiyos hindi nagpahalata si Maine.

Maine copy

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Mabilis siyang nag-tweet ng pasasalamat: “Omg thank you very much for the support guys! This is so surreal! Pero hiyang-hiya ang tyan kong malaki. #wapakels.

First time din ni Maine na na-meet personally ang ilang Kapamilya at Kapuso stars na endorsers din ng Bench, like Richard Gutierrez, Julia Barretto, Kim Chui at Kathryn Bernardo.

Pero ang isa pang pinag-usapan ng mga AlDub fans ay kung sino ang guy na kumukuha ng picture nina Maine sa stage. May time pa ngang itinuro ni Julia Barretto kay Maine ang guy at kumaway naman si Maine. Si Alden Richards ba siya?

Wala kasi si Alden dahil hindi naman siya kabilang sa mga rumampa. Fix ng Bench kasi ang ini-endorse niya dahil may ibang clothing line siyang ini-endorse. That time ay nasa Sofitel si Alden na invited to perform para sa anniversary celebration ng POGS (Philippine Obstetrical and Gynecologists Society). Invited siya ng friend niyang si Dra. Oraa at nag-perform at naki-photo-op with the doctors.

Kaya lamang ay kung ano ang suot na maroon printed shirt ni Alden, ganoon din ang suot ng guy na kumuha ng picture at kinawayan pa ni Maine. Coincidence lamang ba iyon na pareho sila ng OOTD (outfit of the day)? Pero napansin na ang guy na kumukuha ng picture ay walang watch at bracelet na laging suot ni Alden. At observation pa ng mga fans, hindi ba mapapansin ang guy kung si Alden Richards nga siya?

Anyways, kita ang saya ni Maine sa first time niyang pagrampa bilang isang Bench model. Last year kasi na endorser na si Maine, very simple lamang ang Bench celebration niya kaya walang ganoong kalaking fashion show.

Back to work na nga si Maine after ng ilang araw na bakasyon at shopping niya sa Hong Kong. At mamayang tanghali ay special guest siya ng tatlong lola -- Nidora, Tidora at Tinodora -- sa “The Beautiful Lolas Show” na pini-promote niya ang first lead role movie nila ang Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies. Dadalo kaya sina Alden at Maine ng red carpet premiere night ng movie mamaya sa SM Megamall?