Curry, malupit sa Brooklyn; Pistons, wagi.
NEW YORK (AP) — Wala si Kevin Durant. Walang problema para sa Golden State Warriors.
Pinangunahan ni Stephen Curry – isa ikalawang sunod na laro – ang ratsada ng Warriors sa natipang season high 39 puntos at 11 rebounds para maidispatsa ang Brooklyn Nets, 118-111, nitong Linggo (Lunes sa Manila).
Matapos ang impresibong pagbalikwas mula sa 22 puntos na paghahabol laban sa Philadelphia, dominanteng ang Warriors sa naitarak na 28 puntos na bentahe sa third period.
Nagawang makadikit ng Nets sa final period matapos ma-fouled out si Curry, ngunit sapat ang lakas ni Warriors, sa pangunguna ni Klay Thompson na tumipa ng 23 puntos, kabilang ang pito sa huling dalawang minuto para sandigan ang Golden State.
Hindi nakalaro si Durant bunsod ng sprained sa kaliwang paa, ngunit inaasahang makalalaro siya sa laban sa Oklahoma City sa Miyerkules (Huwebes sa Manila).
Nag-ambag si Omri Casspi ng 12 puntos at walong rebounds.
Nanguna naman sa Allen Crabbe sa Nets sa natipang 25 puntos at kumubra si Spencer Dinwiddie ng 21 puntos at walong assists.
PISTONS 100, WOLVES 97
Sa Minneapolis, hataw si Andre Drummond sa nakubrang 20 puntos at 16 rebounds, habang nagsalansan sinaTobias Harris at Avery Bradley ng tig-18 puntos sa panalo ng Detroit Pistons kontra Minnesota Timberwolves.
Naisalpak ni Harris ang dalawang free throws may 3.3 segundo sa laro bago sumablay ang buzzer-beating three-pointer ni Jimmy Butler para mahila ang losing skid ng Wolves sa tatlo.
Kumubra si Butler ng 26 puntos at 10 rebounds, habang tumipa si Andrew Wiggins ng 24 puntos.
Naghabol ang Pistons sa pinakamalaking bentahe na 11 at naidikit sa 93-92 ang iskor may 1:45 ang nalalabi sa laro.
Magkasunod na lay-up ni Reggie Jackson ang nagselyo sa panalo ng Pistons.
HEAT 120, PACERS 95
Sa Miami, tinusta ng Heat, sa pangunguna ni Bojan Bogdanovic sa naiskor na 26 puntos ang Indiana Pacers.
“We moved the ball and guys were knocking down shots,” pahayag ni Pacers coach Nate McMillan.
RAPTORS 100, WIZARDS 91
Sa Toronto, ratsada sina DeMar DeRozan at CJ Miles sa naiskor na 33 at 12 puntos, sa panalo ng Raptors kontra Washington Wizards.
“That man is one of the best players in the NBA,” sambit ni Kyle Lowry, patungkol sa maangas na laro ni DeRozan. “It don’t matter if he shoots threes or not, he’s still going to get you buckets. That’s what he does, he’s a natural bucket-getter.”
“You’re going to have nights where some of them look ugly and you’re going to have to win ugly,” pahayag ni Raptors coach Dwane Casey.
“That’s where DeMar’s game comes in. I thought he did an excellent job of attacking and picking his spots.”
Nag-ambag sina Lowry at Fred VanVleet sa Toronto sa nahugot na tig-10 puntos.