Ni REGGEE BONOAN

KAMAKAILAN ay may bulung-bulungang kumalat na hiwalay na raw sina Coco Martin at Julia Montes at ang komento ng mga kakuwentuhan namin, “hindi pa nga umaamin, hiwalay na?”

Hindi kami naniwala dahil kamakailan lang ay binati pa ni Julia ang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano at Ang Panday sa birthday nito, at ang saya ng facial expression niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Julia Montes
Julia Montes
Kung hiwalay na sila, e, malamang hindi ganu’n kasaya ang pagbati ni Julia kay Coco at gayun din ang aktor nu’ng huli namin siyang makausap sa ginanap na launching ng Ang Panday apps game.

Pero heto at naispatan daw sina Coco at Julia sa isang sosyal na restaurant malapit sa Camp Crame kung saan nagso-shooting ng FPJ’s Ang Probinsyano ang aktor.

Base sa tsika sa amin ay nakunan ito ng ilang supporters ng dalawa at hinanap namin ang mga litratong sinasabi pero hindi namin makita o baka naman pinatanggal na para wala ng isyu.

At ang alam naming restaurant na malapit sa Camp Crame ay ang Lemuria Gourmet Restaurant sa may Horseshoe Village.

Samantala, isa si Julia sa most applauded sa ginanap na Bench Under the Stars Fashion Show sa suot nitong short black lace dress na maski walang masyadong ipinakitang skin ay super sexy pa rin.

Sabi nga ng mga nakapanood, “she’s so sexy in every angle with oozing sex appeal.”

Oo naman, kaya nga imposibleng pakawalan pa siya ni Probinsyano at Panday, di ba, Bossing DMB?

(Mainterbyu nga si Coco... --DMB)