Ni Marivic Awitan

NAKAMIT ng National University ang unang men’s championship matapos kumpletuhin ang 6-0 sweep nitong Biyernes ng hapon sa UAAP Season 80 taekwondo tournament sa Blue Eagle Gym.

Huling tinalo ng Bulldogs ang traditional powerhouse University of Santo Tomas, 6-1 kasunod ang Far Eastern University,6-1 sa huling araw ng kompetisyon para tuldukan ang matikas na kampanya.

Pumangalawa sa kanila ang University of the Philippines na nagtapos na may 4-2 record kasunod ng huling panalo kontra University of the East (7-0).

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

Nagtapos lamang na pangatlo ang Growling Tigers na tumabla sa UP na may 4-2 marka pero bumaba sa pangatlo sa bisa ng winner over the other rule.

Samantala, isang panalo na lamang ang kailangan ng NU women’s taekwondo squad para makumpleto ang isa ring season sweep.

Tanging ang University of the Philippines na lamang ang natitirang balakid para makumpleto nila ang twin championship ngayong season.