LONDON (AFP) – Nakatakdang ipahayag ni British finance minister Philip Hammond ang £75 milyon ($99M) na pondo para sa Artificial Intelligence at planong pumasada ang driverless cars sa mga kalsada ng UK pagsapit ng 2021, sa kanyang budget speech sa Miyerkules.

Iaanunsiyo ni Hammond ang mga pagbabago para pahintulutan ang driverless car industry ng Britain, na tinataya ng gobyerno na magkakahalaga ng £28B pagsapit ng 2035, upang makapasada ang mga sasakyan sa mga kalye sa susunod na tatlong taon, ayon sa sipi ng budget na inilabas ng opisina nitong Linggo.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina