BOGOTA (AFP) – Nasabat ng Colombian authorities ang mahigit 2 toneladang cocaine sa isang grupo na tumiwalag sa FARC guerrilla organization, sinabi ng militar nitong Sabado.

Winasak sa magkatuwang na operasyon ng air at ground troops ang isang coca laboratory sa magulong border municipality ng Tumaco, sinabi ng militar.

Nasamsam sa operasyon ang 2,341 kilo ng cocaine, 450 kg ng coca leaf at 10 kg ng cocaine in process.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture