Ni: Jun Fabon at Chito Chavez

Inamin ng aktres at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez na nagkamali siya nang pumasok siya sa VIP lane sa EDSA para sa convoy ng mga delegado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at pag-post pa nito sa social media.

After the viral video on Facebook and Instagram that she removed divider cones on Edsa and used the ASEAN Lanes to avoid heavy traffic on Saturday, November 11, 2017, the Land Transportation Office (LTO) ordered Ms. Maria Isabel Lopez, an actress and beauty queen, to appear at the LTO's Office of the Director on Thursday, November 16, 2017 at 10:00am. Together with her lawyer, Ms. Maria Isabel Lopez personally appears at the office and explains to Director Francis Ray A. Almora, CESO VI on what happened on that issue. (Kevin Tristan Espiritu)

Sa pagharap niya kahapon sa Land Transportation Office (LTO), iginiit ni Lopez na bigo ang napagtanungan niyang traffic constable na sagutin ang tanong niya kung maaari ba niyang gamitin ang ASEAN lane.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Katwiran ni Lopez, napilitan siyang gamitin ang ASEAN lane dahil naiihi na siya, na epekto ng health regiment niya na nag-oobliga sa kanyang laging uminom ng juice.

Sinabi naman ni LTO Law Enforcement Service Director Francis Ray Almora na mapapatunayan nilang totoo ang sinasabi ni Lopez kapag napanood na nila ang CCTV footage ng MMDA sa insidente.

Pinagsusumite rin ni Almora si Lopez ng position paper, at sinabing si LTO Chief Edgar Galvante ang magpapasya sa parusang ipapataw sa dating beauty queen.

“It is up for Asec Galvante to decide after we finish our investigation,” sabi ni Almora, at idinagdag na maaari namang umapela si Lopez kay Galvante para sa mas mababang parusa.

Gayunman, nakiusap si Lopez na huwag namang matindi ang parusang ipataw sa kanya, gaya ng kanselasyon ng lisensiya, dahil unang beses pa lang naman siyang lumabag sa batas trapiko.

Nobyembre 13 nang naglabas ng show cause order ang LTO para pagpaliwanagin si Lopez kung bakit hindi dapat na suspendihin o kanselahin ang kanyang driver’s license.

Nahaharap si Lopez sa mga kasong reckless driving, breach of security, disregarding traffic signs, at paglabag sa Anti-Distracted Driving Act (ADDA).

Matatandaang nag-post si Lopez ng pagtanggal niya sa mga divider traffic cone upang mapasok ang ASEAN lane, kaya naman nagsisunuran sa kanya ang iba pang motorista na naipit din sa ilang oras nang trapiko sa EDSA nitong Sabado ng gabi.

Sa kanyang video post, makikita si Lopez habang mabilis na tinatalunton ang ASEAN lane at sumisigaw ng, “Wooh! I did it! Be like Maria!”