NI: Annie Abad

IKINATUWA ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Arnold Agustin ang naging resulta ng katatapos lamang na kauna-unahang Kabataan Iwas Droga: Start on Sports na nilahukan ng piling mag-aaral buhat sa lalawigan ng Cavite.

Ayon sa kumisyuner, kabilang ito sa proyekto ng PSC na hikayatin ang mga kabataan na ituona ng pansin sa sports imbes na sa droga.

“This is one of the PSC’s way of helping our youth be involved in sports activities. Imbes na malulong sila sa kung anong negative activities, ito ang isang maganda paraan para makaiwas ang mga kabataan natin sa mga masasamang elemento,” pahayag ni Agustin.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang nasabing proyekto ay bahagi rin ng grass roots program ng PSC upang makapaghubog ng potensyal na atleta na maaring sanayin para sa susunod na grupo ng National Team.

“This is also one of PSC’s mission in holding sports activities – to identify and tap raw talents that can be polished into gems to join the nation’s sports workforce in the future,” pahayag ni Agustin.

Nagwagi ang tropa ng mga kabataan buhat sa Bacoor National HS Molino at ang Zapote elem school sa nasbaing kompetisyon na maaring maging taunan na bilang proyekto ng PSC.