Ni: Bella Gamotea at Beth Camia
Tagumpay sa pangkalahatan ang pangangasiwa ng Pilipinas sa 31st Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit, sinabi kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge at ASEAN Committee on Security, Peace and Order, and Emergency Preparedness and Response (CSPOEPR) Chairman Catalino Cuy.
Ito ang naging resulta ng final assessment ng CSPOEPR dahil walang naitalang insidente o “zero incident”.
“We have successfully performed our duty with zero incident as we have clearly envisioned and planned,” sinabi ni Cuy sa pulong balitaan.
Sa kooperasyon ng local government units, mga ahensiya ng pamahalaan, ng pulisya at militar ay naging matagumpay ang ASEAN Summit, aniya.
Samantala, nagpasalamat si Pangulong Duterte sa mainstream media sa malaki nitong kontribusyon sa matagumpay na ASEAN Summit.
Sa isang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na malaki ang naging papel ng mainstream media sa pagpaparating sa publiko ng tunay na layunin ng ASEAN Summit.