SINIMULAN ni four-time champion Marian Jade Capadocia ang kampanya na muling pagreynahan ang ladies singles event ng 36th Philippine Columbian Association (PCA) Open sa matikas na ratsada nitong Linggo sa PCA indoor shell-clay courts sa Paco, Manila.

Hindi man lamang pinagpawisan ang third-seeded na si Capadocia sa paggapi kay qualifier Alyssa Bornia, 6-1, 6-1, upang makausad sa second round ng prestihiyosong torneo.

“It’s good to be back here after missing the last two years of the competition. I’ve been competing in different ITF tournaments. Hopefully magamit ko dito yung experience na nakuha ko,” pahayag ng 24-anyos ana si Capadocia, nakabalik sa National Team matapos ang SEA Games.

Nakopo ng dating RP No.1 ang PCA title simula 2011 hanggang 2014 bago nagdesisyon na palakasin ang kanyang kaalaman at talento sa pagsagupa sa international competitions sa Netherlands, Belgium, Egypt, France, China, Kazakhstan, Sri Lanka, Singapore at Germany.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sunod na makakasagupa ng pambato ng Antique si Khryshana Brazal sa second round ng torneo na suportado ng Asian Traders Dunlop, Stronghold Insurance, Whirlpool/Fujidenzo, Head at United Auctioneers.

Magaan din ang panalo ni Brazal kontra Nicole Amistad, 5-3 (retired).