Ni: Reggee Bonoan

SA presscon ng ikalawang yugto ng Pusong Ligaw, hindi nakaiwas si Beauty Gonzales nang tanungin tungkol sa best friend niyang si Ellen Adarna at sa relasyon nito kay John Lloyd Cruz.

Beauty1 copy

Si Ellen ang naging matchmaker ni Beauty at ng kanyang husband na ngayon na si Norman Crisologo at mayroon na silang isang anak, si Olivia Ines na mahigit isang taong gulang na.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ayon kay Beauty, sa obserbasyon niya ay maganda ang relasyon nina Ellen at Lloydie.

“They both love each other, eh. So, I’m happy for them,” saad ng isa sa lead stars ng Pusong Ligaw.

Pero hindi pa nagkakaharap sina Beauty at JLC para pormal nitong sabihin na sila na ni Ellen.

“We’re too old to say things na. Kahit ako nga, hindi ko na’pakilala dati na boyfriend ko na pala ‘yung asawa ko.

It’s just, you know, when you see both people happy, then maybe they’re together,” paliwanag ng aktres.

Para kay Beauty, deserving sina John Lloyd at Ellen para magbakasyon, “We all need a break.”

‘Yun nga lang, may mga naiwang trabaho ang dalawa rito sa Pilipinas tulad ng sitcom na Home Sweetie Home kaya napasok si Piolo Pascual bilang pinsan ni Romeo (John Lloyd) at maging si Ellen ay kasama rin sa programa, pero pinalabas na bakasyon kasama na rin ang grupo nina Ogie Diaz bilang boss ng dalaga.

Paliwanag ni Beauty, kailangan talaga ng tao ng bakasyon lalo na kung sunud-sunod ang trabaho tulad niya na kaya siya nawawala rin sa sirkulasyon kung minsan.

“Ako rin naman, I’m gonna go somewhere also. I’m gonna have my break. I mean, kailangan din natin ‘yan sa sarili natin. We need to get ourselves together.

“Kasi minsan, when you’re overworked na rin, araw-araw ‘yun lang ang ginagawa mo, nakakalimutan mo na kung paanong tumawa. Nakakalimutan mo nang mag-appreciate sa mga maliliit na bagay, pag-travel, bigyan ng time sarili mo. So, I’m happy, finally, both of them are doing it.”

Tulad ng nasabi na noon ni Beauty, kapag nalaman niyang ikakasal na sina Ellen at Lloydie ay pupuntahan niya saan man iyon dahil ninong at ninang ang dalawa ng anak niyang si Olivia Ines.

“I’ll be there whenever, wherever. Sabi ko sa kanila, ‘gawin n’yo na lang weekend. Kahit isang araw, pupuntahan ko kayo kahit saan,” say ng aktres.