Ni: Bert De Guzman

Popondohan ng P100 milyon ang survey mapping ng Benham Rise at mineral deposits exploration na magbibigay sa Pilipinas ng alternatibong pagkukunan ng enerhiya.

Ipinasa ng House Committee on Foreign Affairs na pinamumunuan ni Isabela Rep. Ana Cristina Siquian Go ang House Resolution 45 na maglalaan ng P100M sa survey mapping at exploration ng mineral deposits sa Benham Rise.

Batay sa resolusyon, inakda ni Ilocos Sur Rep. Deogracias Victor Savellano, papangalanan ang Benham Rise na “Philippine Northeast Continental Shelf” upang maitatak ang proprietary right ng bansa sa naturang lugar.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang Benham Rise, kilala rin bilang Benham Plateau, ay 13-milyong ektaryang undersea plateau na tinatayang nasa 160 nautical miles sa silangan ng Luzon malapit sa mga lalawigan ng Isabela at Aurora. Ito ay matatagpuan sa Central Basin Fault ng West Philippine Sea.