MAHIGIT sa 2,000 runners ang nakilahok sa Color Manila CM Blacklight Run nitong Sabado sa Tanay Park sa Tanay, Rizal.

Ito ang ikalawang pagkakataon na naging host ang Tanay sa makulay na running event sa bansa. Sumabak ang mga kalahok sa 3K, 5K at 10K at masayang sinalubong ang pagsambulat nang ibalt ibang kulay sa finish line.

“We are glad that we have a growing partnership with the municipality of Tanay. Tanay also has a growing race community, and we at COLOR MANILA, intend to be back very soon,” pahayag ni Color Manila VP Justine Cordero.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sunod na isasagawa ang Color Manila CM Blacklight Run sa Clark, Pampanga sa Disyembre 2. Sa nakalipas na season, umabot sa 6,000 runners ang nakiisa sa prohrama sa Clark.

Bukas ang pagpapatala sa on-line registration sa www.colormanilarun.com