Ni: Marivic Awitan

PARA sa bagong itinalagang head coach ng Phoenix Petroleum na si Louie Alas, mas makabubuting makita niya na naglalaro sa ibang team ang anak na si Kevin Alas keysa magkasama sila sa iisang team.

“Mahirap lalo na para sa akin. Dati nga assistant coach ako sa Alaska, nagkakalaban na kami, eh! di lalo na ngayon, head coach na ko dito sa Phoenix, mas mahirap, “ pahayag ng bagong Fuel Masters coach.

“Pero mas gugustuhin kong nandun sya sa ibang team kesa yung magkasama kami, kasi mapi -pressure lang siya ng gusto, “ paliwanag pa ni Alas.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ayaw ng maulit ni Alas ang nangyari sa kanilang mag-ama noong head coach sya ng Letran at isa si Kevin sa mga star players kung saan kapwa sila pressured para ipanalo ang team.

Hinggil naman sa kanyang appointment bilang head coach ng Phoenix, para kay Alas ay isa kasagutan sa kanyang panalangin.

“Answered prayer talaga, matagal ko na rin namang pangarap ito at ipinagdarasal, “ ani Alas.

Noong isang taon pa pala iniaalok kay Alas ang puwesto ngunit tinanggihan nya ito dahil committed pa sya sa Alaska at kaibigan nya ang dating coach ng team na si Ariel Vanguardia

“Last year pa iniaalok sa kin to. Pero tinanggihan ko. Ipinagdasal ko na sana magkaroon ulit ng opportunity at ito nga bumalik yung offer, “ dagdag pa ni Alas.

Sa kanyang pag-upo sisimulan din ni Alas ang rebuilding ng team mula sa kanyang dinatnang mga talents at mga baguhang nakuha nya sa Draft sa pangunguna ng kanilang first round pick na si Jason Perkins.