Ni: Nitz Miralles

NASA IG story ni Marian Rivera ang picture nila ni Jennylyn Mercado nang mag-guest ang huli at magkita sila sa huling edition ngSunday Pinasaya. Sabi ni Marian, “Happy to see you on SPS... saya ng chikahan natin. See you soon with Jazz.”

Jennylybn at Marian copy

Kaya ‘wag tayong magugulat kung isa sa mga araw, makita sina Jennylyn at Jazz kasama sina Marian at Zia. Kahit malaki ang agwat ng edad ng kani-kanyang anak, magkiklik pa rin ang mga bagets.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Open na pala uli ang comment section ng Instagram (IG) ni Marian after i-off ng ilang araw. Isa sa mga bagong post ni Marian ay nang tanggapin ang Pillar of Hope Award award niyang mula sa Eton International School.

“Nagpapasalamat ako na napili ako ng mga estudyante ng Eton bilang Pillar of Hope awardee.

Nakakataba po ng puso malaman na binibigyan ng halaga ng kabataan ang trabaho ko at lalo na ang mga advocacy ko. Isa po akong tao na naniniwala na dapat ipaglaban ang mga prinsipyo na iyong pinaniniwalaan.

Isa po akong babae na naniniwala sa mga karapatan ng lahat ng babae at lalo na ng mga Nanay. At isa po akong Ina na naniniwala sa kakayahan at pag-asa ng kabataan. Malaki pong karangalan para sa isang tulad ko na kilalanin bilang isang simbolo o ehemplo ng pag-asa.

Pero sa aking puso, alam ko na ang kabataan ang tunay na simbolo ng pag-asa. Sila ang magdadala ng kinabukasan at sila ang magpapatupad ng mga pangarap nating lahat. #PillarOfHope #MaramingSalamat.”

Samantala, kung tama ang tantiya ni Marian, this week na mapapanood sa Super Ma’am ang pagtatagpo at laban nila ni Conan Stevens, ang 7-footer Australian actor na guest sa action/fantasy series at gaganap na isang Tamawo.

Sa laking ‘yun ni Conan Stevens, tatalunin pa rin siya ni Super Ma’am, kung paano, tuluy-tuloy lang ang panonood.

Dahil extended up to January 2018 ang Super Ma’am, marami pang makakalaban si Marian.