WASHINGTON (AFP) – Sinupalpal ng Cuba ang mga alegasyon ng misteryosong sonic attacks na ikinasakit ng American diplomats sa bansa, sinabing ito ay ‘’political manipulation’’ na naglalayong papanghinain ng mga relasyon.

May 24 na diplomat sa Cuba ang nagkasakit mula Nobyembre 2016 hanggang Agosto 2017, na ayon sa mga opisyal ng US ay maaaring resulta ng mga pag-atake na ginamitan ng covert acoustic device.

Hindi direktang inakusahan ng Washington ang Havana, ngunit sinabi ng White House na naniniwala ito na kayang pigilan ng bansa ang pag-atake.

Sinabi ni Cuban Foreign Minister Bruno Rodriguez nitong Sabado na ‘’unacceptable and immoral’’ na ang anumang political differences sa pagitan ng dalawang bansa ay magbubunsod ng mga hakbang na makaapekto sa kanilang mga mamamayan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’The so-called sonic attacks ... are totally false,’’ aniya sa isang sorpresang pagharap sa pagpupulong ng mga Cuban na naninirahan sa United States, na ginanap sa Washington.

Tinuligsa niya ang mga alegasyon na ‘’political manipulation aimed at damaging bilateral relations.’’

Kasunod ng mga pagkakasakit, pinauwi ng US nitong Setyembre ang mahigit kalahati ng kanyang diplomatic staff sa Cuba at pinalayas ang 15 Cuban diplomats sa Washington.