KAUNTING panahon na lang at matutupad na ang pangarap ni Kris Aquino na magkaroon ng food empire dahil sa loob lamang ng tatlong taon ay may sampung branch na siya ng Nacho Bimby/Potato Corner sa iba’t ibang malls sa Metro Manila.

Bubuksan na ang unang Jollibee branch ni Kris sa bayan nila sa Tarlac sa Disyembre 8 (napapansin namin na paboritong numero niya ito, dahil siguro symbol din ng infinity o eternity) at sadyang itinapat niya sa kaarawan ni Mama Mary. Alam nating lahat na Marian devotee si Kris.

Kris Aquino
Kris Aquino
Pagpasok ng 2018, bubuksan naman ang ikatlong Chow King branch niya sa Quezon Avenue corner Araneta Avenue, Quezon City. Karagdagan ito sa dalawang existing CK branch niya, ‘yung nauna sa Ali Mall at sa Welcome Rotonda na kabubukas lang last September.

May Mang Inasal outlet na rin si Kris sa Anonas Street, Project 2, Quezon City na binuksan niya almost two years ago.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

Napakayaman na pala talaga ni Kris -- at lalo pang yumayaman sa business sector -- dahil ang isang franchise ng Jollibee ay nagkakahalaga na pala ng P30M-40M depende sa location at kung gaano ito kalaki.

Ang Chow King naman ay nagkakahalaga ng P13M-P15M at ang Potato Corner Cart alone ay nasa P500,000 na, base sa ilang partner ng Queen of Social Media na tinanong namin.

Any idea, Bossing DMB kung magkano ang franchise ng Nacho Bimby?

Dahil sa malaking kinita ni Kris sa showbiz at sa mga kinikita na rin ng fastfood outlets niya ngayon, patuloy na nakapagtatayo ng additional branches si Kris nang walang utang sa bangko.

Samantala, tawa kami nang tawa sa reaksiyon ni Kris nang mapag-usapan si Xander Ford habang kinakapanayam siya ng bloggers/online writers. Dahil mas busy na nga sa business sector at hindi na masyadong nakakahalubilo ang mga kaibigan sa showbiz, hindi pa kilala ni Kris si Xander kaya nagpakuwento siya kung bakit nagparetoke at kung ano ang itsura nito rati.

May nagpakita kay Kris ng dating mukha ni Xander bilang si Marlou Arizala at ang reaksiyon niya ay, “’Di ko ma-get” (kung bakit nagparetoke).

Naging honest si Kris at nakiusap na, “Paki-update ako kasi hanggang kay Arci (Muñoz) lang ang alam ko.”

Matatandaan na nagparetoke ng ilong si Arci na hindi nagustuhan ng publiko dahil lumiit daw masyado batay sa napapanood sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin kasama sina Gerald Anderson, Jake Cuenca, Coleen Garcia at Kim Chiu.