Umaasa si Incoming Presidential Spokesperson Harry Roque na mapapayuhan niya si Pangulong Duterte hinggil sa mga pamamaraan nito sa pagresolba sa problema ng bansa kaugnay ng ilegal na droga.

Ito ay matapos ianunsiyo ni Duterte na ang dating Kabayan partylist representarive ang magiging bago niyang tagapagsalita simula sa Nobyembre 6, 2017, ang araw kung kailan manunumpa si Roque.

Sa isang pahayag, sinabi ni Roque na ang bago niyang posisyon bilang presidential spokesperson ay hindi makaaapekto sa kanyang pananaw pagdating sa human rights situation sa Pilipinas.

“I must sstress that my position on human rights has not changed. I am a firm advocate for the protection and preservation of fundamental human rights of all persons,” sabi ni Roque.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa incoming presidential spokesperson, umaasa siyang mabibigyan niya ng payo ang Pangulo hinggil sa nasabing isyu dahil karamihan sa umano’y kaso ng human rights violations ay sa kasagsagan ng kampanya laban sa ilegal na droga.

“By taking this position, I hope to be able to advise the President directly regarding the manner and methods he has used to tackle the problem of drugs. I have already expressed my willingness to serve as an adviser on the matter,” aniya.

Sinabi ni Roque na ito ang tamang pagkakataon.

“As a member of Congress, my voice is limited. Politicians who relentlessly criticize the administration are simply ignored and labeled as ‘destabilizers,’” aniya.

Inanunsiyo ng Pangulo na si Roque ang bago niyang tagapagsalita sa pagdiriwang ng kaarawan ng huli sa Davao City nitong Biyernes.

“To get the message clear, sabi ko, ‘Harry will fit the [bill]---kasi parehong malikot ang bunganga namin,” sabi ng Pangulo.

“Hindi na siya congressman, secretary na siya,” dagdag nito. - Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia