Ni REGGEE BONOAN

GOING places na talaga ang tambalang JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Pagkatapos ng hit movie nilang Love You To The Stars and Back na idinirihe ni Antoinette Jadaone at ipinalabas nitong Agosto, kasama naman sila sa ginagawang pelikula nina Robin Padilla at Sharon Cuneta sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

JOSHUA AT JULIA copy copy

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Wild guess namin sa papel ng JoshLia, malamang na anak o pamangkin sila ni Sharon at ni Robin, respectively, at nang magkagustuhan ay pinagbawalan o hinihigpitan dahil sa nakaraan. Dahil maaaring dating magkarelasyon sina Binoe at Shawie, ano sa palagay mo, Bossing DMB?

(Puwede ka nang scriptwiter, Reggee. –DMB)

Sa panayam ng ABS-CBN News tungkol sa pagkakasama nila ni Julia sa pelikula nina Sharon at Robin, ang sabi ni Joshua, “Very exciting ito with Miss Sharon Cuneta and Sir Robin Padilla. Abangan na lang natin kung ano’ng magiging istorya nito. Malupit po.”

Sabi naman ni Julia, “We are gonna be working with icons.”

After 26 years, anak naman ni Dennis Padilla ang makakasama nina Robin at Sharon. Kaya excited ang dalaga na masusubukan naman niyang makatrabaho ang dalawa na ayon sa tatay niya ay sobrang sarap katrabaho. Matatandaan na si Dennis ang paboritong sidekick ni Robin, biggest hit nila ang Maging Sino Ka Man (1991).

Maging ang tiyahin ni Julia na si Claudine Barretto ay nakatrabaho rin ni Sharon sa Madrasta noong 1992.

“Makakatrabaho nila ‘yung next generation,” sey ni Julia.

Speaking of Joshua, nakakatulog pa kaya siya ngayong halos araw-araw ang taping niya sa The Good Son at shooting ng pelikula.

Samantala, wala pang reaksiyon si Joshua sa sinabi ni Ronnie Alonte na nagseselos ito sa kanya dahil ka-love team niya sa The Good Son ang girlfriend nitong si Loisa Andalio.