Ni: Joseph Muego

NAG-IISANG nasungkit ng lotto bettor mula sa Laguna ang jackpot prize ng 6/42 Lotto draw nitong Martes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ayon kay PCSO general manager Alexander F. Balutan, tinamaan ng masuwerteng bettor ang tamang kombinasyon na 07-30-23-01-12-28 kaakibat ang premyong P9,682,208.00

Nabili ang tiket sa lotto outlet sa Calamba, Laguna.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi rin ni Balutan na kabuuang 74 bettors ang nakasingil ng tig-P8,100.00 sa limang numerong tinamaan.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.