Ni: Lyka Manalo

SAN PASCUAL, Batangas - Patay ang isang meat vendor nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nasa tindahan ng karne sa San Pascual, Batangas kahapon.

Kinilala ang biktimang si Celso Cueto, 37, residente ng Barangay Poblacion 4, Bauan.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 3:10 ng madaling araw nang pagbabarilin ang biktima sa Barangay Sambat.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Dead on arrival sa Dr. Mario Bejasa General Hospital ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib.

Nakarekober ang pulisya ng tatlong basyo ng bala ng .45 caliber pistol sa pinangyarihan ng krimen, habang pinaghahanap pa ang mga suspek na nakasuot ng dirty white sweat shirt at itim na jacket na may hood.