MATAPOS ang matagumpay na 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby kung saan nagsolo-kampiyon si Eugene Perez gamit ang mga palahi ni Pao Malvar, ang pinakahihintay na karugtong ng pamosong torneo ay papagitna sa Nobyembre 16-25 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

May kapahintulutan ng Games & Amusements Board at tinawag na 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders 2) 9-Stag International Derby, ang pinanabikan labanan ito ay naglalatag ng garantisadong premyo na P5 milyon para sa entry fee na P88,000 at minimum bet na P55,000.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pagtataguyod ni Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, ang 10-araw na umaatikabong paluan ay sa pakikipatulungan ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Naunang nagkumpirma ng paglahok sina Anthony Lim, Bernardo Tuazon, Arman Santos, Atty. Cappuchino, Atty. Arcal Astorga, Bong Pineda, Capt. J. Abantao, Celso Bautista, Engr. Celso Salazar, Danny Lim, Engr. Jocob Lee, Felix Punzalan, Jr. & Ramon Montierro, Fidel “Boy” Villanueva, Jr/Mayor Leonofre Geronilla, Fiscal Villanueva, Frank Berin, Jayson Garces & Coun. Mark Calixto, Jervy Maglunob/Noel Cosico; Joey delos Santos, Pitmasters2 winner Jojo Cruz, Many Garcia, Mayor Max Roxas, Mayor Amboy Manlapaz, Mayor Larry Alilio, Mayor Neil Lizares, Mayor Emeng Codilla, Nestor Vendivil, Patrick Antonio, Arnold dela Cruz, Ramon Mancenares, Tata Rey Briones, Toto Aurue Alas, Victor Sierra, Toto Gregore, Vernie Legaspi at iba pa.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sasabak din ang mga three-time world champions na sina Dicky Lim & Rey Briones, Pitmasters1 winner Joey & Buboy delos Santos, Mayor Nene Aguilar, Marcu del Rosario, Kano & James Raya, Boy Lechon, Allan Syiaco, Butch Borja, EJohn Capinpin, Jun Bacolod, Magno Lim, Dennis de Asis, Steve Debulgado, Nap Laurente & Edwin Baccud, Nene Abello, Boy Velez, Nene Rojo, Dori Du, at Dr. Boy Tuazon.

Ang 2-stag eliminations ay gaganapin sa Nobyembre 16 (Group A), 17 (Group B) & 18 (Group C), samantalang ang 3-stag semis ay idaraos sa Nob. 19 (A), 20 (B) & 21 (C).

Pagkatapos ng semis, lahat ng entry na may iskor na 2-3.5 puntos ay maghaharap sa kanilang 4-stag finals sa Nob. 22 (A), 23 (B) & 24 (C). Lahat naman ng may iskor na 4,4.5 & 5 puntos ay magtutuos sa ika-25 ng Nobyembre para sa kanilang 4-stag grand finals.