ni Mary Ann Santiago

Hinihinalang problemado sa pag-ibig ang isang helper na winakasan ang sariling buhay nang magbigti siya sa kusina ng bahay na pinagtatrabahuhan niya sa Barangay Old Zaniga, Mandaluyong City, nitong Sabado.

Kinilala ang nagpatiwakal na si Melchor Royo, 30, binata, stay-in helper sa Villa Maja Town Homes Village sa Rev. Aglipay Street, sa Bgy. Old Zaniga.

Batay sa ulat nina SPO3 Emmanuel Ermino at SPO2 Jamar Sabri, ng Mandaluyong City Police, nabatid na dakong 5:00 ng umaga nang matuklasan ng mga kapwa helper ang pagbibigti ni Royo sa kusina gamit ang extension cord.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna rito, huling nakitang buhay ni Edwin Birung, compound security guard, si Royo nang bumili ito ng sigarilyo at alak sa tindahan.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumilitaw na isa sa mga posibleng motibo sa pagpapatiwakal ni Royo ang problema nito sa nobya, base na rin sa mga huling mensahe sa cell phone ng binata.

Sa nito, iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente upang alamin kung posibleng may foul play sa insidente.

Dinala na sa Gospel Funeral Services ang labi ni Royo para sa kaukulang awtopsiya.