Golden State Warriors guard Stephen Curry reacts during the second half of an NBA basketball game against the Memphis Grizzlies on Saturday, Oct. 21, 2017, in Memphis, Tenn. (AP Photo/Brandon Dill)

MEMPHIS, Tennessee (AP) — Hindi lang natalo ang Golden State Warriors sa Memphis Grizzlies. Nawala rin ang kanilang wisyo sa krusyal na sandali ng laro.

Kapwa napatalsik sa laro sina two-time MVP Stephen Curry at one-time MVP Kevin Durant may 43 segundo ang nalalabi tungo sa 101-111 kabiguan ng Warriors sa Grizzlies nitong Sabado (Linggo sa Manila).

“My pockets will be a lot lighter for sure,” pahayag ni Curry patungkol sa pagpapatalsik sa kanya nang ibalig niya ang mouthpiece sa direksyon ng referee. Inaasahang mas mataas ang multa ni Durant nang makita sa TV screen na nagbigay siya ng bastos na porma sa crowd.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hataw si Marc Gasol sa natipang 34 puntos at 14 rebounds para sa Grizzlies, umabante ng pinakamalaking 19 puntos sa third period. Nag-ambag si James Ennis III ng 13 puntos, habang kumana si Tyreke Evans ng 12 punto.

Kumana ang Memphis ng 47 percent sa field kumpara sa 39 percent ng Golden State. Naitarak din ng Warriors ang mababang 12 of 38 sa 3-point range.

Nanguna si Curry sa Warriors sa naiskor na 37 puntos, habang kumubra si Durant ng 29 puntos at 13 rebounds.

Nakaiskor si Curry sa layup may 43 segundo sa laro para matapyas ang bentahe ng Memphis sa 107-99. Sa naturang play, ikinagalit ni Curry ang hindi pagtawag ng referee ng foul sa dumepensang si Mike Conley kung kaya’t sa inis ay naitapon nito ang kanyang mouthpiece na naging dahilan sa kanyang ejection.

“My frustration boiled over, did something stupid, deserved to get kicked out and that’s what happened,” pahayag ni Curry.

Nakipagtalo rin si Durant kay crew chief Brian Forte dahilan para patawan din siya ng ejection. Habang papunta sa locker room, ginantihan niya ng masamang senyas ang mga nag-boboo na crowd.

“That’s part of the game. It’s fun,” pahayag ni Durant. “They’re heckling us, calling us names. It’s nothing personal or nothing serious.”

ROCKETS 107, MAVERICKS 91

Sa Houston, dinomina ng Rockets ang Dallas Mavericks para sa ikatlong sunod na panalo.

Ratsada si James Harden sa natipang 29 puntos.

“From the beginning of the game, defensively, we were locked in, and offensively, we made shots,” sambit ni Harden. “That’s going to be our blueprint is making shots.”

“I think we’re trying to build a good defensive base,” pahayag naman ni coach Mike D’Antoni. “We’re trying to understand where we’re at offensively. I wish Chris (Paul) would be here so we can keep getting better. I’m happy where we’re at, but we’ve got a long ways to go. But 3-0 is 3-0.”

BUCKS 113, BLAZERS 110

Sa Milwaukee, matapos umiskor ng career-high 44 puntos, isinulat ni Giannis Antetokounmpo sa bola ang katagang: “This is for daddy. We got a win tonight.”

Iniaalay ng 22-anyos Bucks forward ang laro sa amang si Charles na namayapa nitong nakalipas na buwan sae dad na 54.

Hataw si Antetokounmpo sa 17 puntos sa fourth quarter, tampok ang dunk na nagbigay sa Milwaukee ng 111-110 bentahe may 11 segundo ang nalalabi sa laro.

Mula sa timeout,nakita ni Damian Lillard na libre si Jusuf Nurkic, ngunit ang pagtatangka nitong maagaw ang bentahe ay napigilan nang matibay na depensa ni Antetokounmpo para matuldukan ang panalo.

“Seventy-nine more. This is just the beginning,” pahayag ng Greek phenom patungkol sa dalawang sunod na panalo ng Bucks.

Naisalpak ni Khris Middleton ang dalawang free throw mula sa foul ni Nurkic para sa final score.

“They committed two guys to Dame, so somebody was going to be open,” sambit ni Portland coach Terry Stotts.

Nanguna si Lillard sa Portland na nakubrang 26 puntos, kabilang ang 16 sa final period, habang kumana si CJ McCollum ng 26 puntos. Tumipa si Nurkic ng 17 puntos at 11 rebounds.

Nag-ambag si Tony Snell ng 17 puntos sa Milwaukee.

Sa iba pang laro, ginapi ng Denver Nuggets, sa pangunguna ni Paul Millsap sa naiskor na 18 puntos at siyam na rebounds, ang Sacramento Kings; naungusan ng Orlando Magic ang Cleveland Cavaliers, 114-93;

Namayani ang Miami Heat sa Indiana Pacers, 112-108; nagwagi ang Detroit Pistons sa New York Knicks, 111-107; giniba ng San Antonio Spurs ang Chicago Bulls, 87-77.