NAKOPO ng De La Salle ang unang badminton title sa women’s division nang gapiin ang University of the Philippines Lady Maroons, 3-2, kahapon sa UAAP Season 80 badminton championship sa Rizal Memorial Badminton Center.

Nasungkit ni Nicole Albo ang 21-10 panalo kontra Mary Ann Marañon, sa deciding singles para nakumpleto ang dominasyon ng Lady Shuttlers sa kanilang best-of-three series, 2-1.

Nakopo ng UP ang bentahe nang magwagi si Poca Alcala kay Arianne Rivera, 20-22, 18-21, sa opening singles, ngunit nakabawi sina Iyah Sevilla at Marina Caculitan, 20-22, 21-12, 21-18, doubles para makatabla ang Lady Shuttlers.

Naagaw ng De La Salle ang bentahe sa panalo ng tambalan nina Isay Leonardo at Albo kontra Alcala at Jessie Francisco, 21-23, 21-17, 21-16, sa first doubles.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Winalis nina Lea Inlayo at Mary Ann Marañon sina Sevilla at Lindsay Tercias, 21-16, 21-10, sa second doubles para sa UP.

Ang kabiguan ang pumutol sa three-peat ng Lady Maroons.