Ni: Mary Ann Santiago

Magtatalaga si Pope Francis ng Papal Legate, na kakatawan sa kanya sa libing ng tinaguriang “Man of peace and love” at pinakamatandang cardinal ng Pilipinas na si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal, sa Oktubre 26.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, inaantabayanan pa nila kung sino ang itatalagang papal legate. Dadalo rin sa funeral mass at libing ni Cardinal Vidal ang iba pang cardinal ng Simbahang Katoliko sa bansa na sina Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Cotabato Archbishop Ricardo Cardinal Vidal.

“Siguradong tatlong cardinal -- Cardinal Tagle, Cardinal Rosales, Cardinal Pedro -- will be present sa kanyang funeral. We are also expecting the announcement of the papal legate kung sino ipadaan ng Holy Father to represent him during day of funeral,” ani Palma, sa panayam ng Radio Veritas ng Simbahan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Samantala, ngayong araw ay dadalhin ang mga labi ni Vidal sa Shrine of San Pedro Calungsod sa Archbishop Residence sa Cebu City upang pansamantalang iburol sa dambana kasabay ng ikalimang anibersaryo ng canonization ni San Pedro Calungsod.

Pagkatapos nito ay muling ibabalik ang mga labi ni Cardinal Vidal sa Cebu Metropolitan Cathedral hanggang sa araw ng kanyang libing, sa himlayan ng mga obispo sa likod mismo ng Cathedral.