Ni: Nitz Miralles

HIRAP pa ring magsalita ng Tagalog si Matthias Rhoads, isa sa leading man ni Marian Rivera sa Super Ma’am at aminado siyang it will take at least two years for him to really speak Tagalog. ’Yung dire-diretso at wala nang accent, kaya ang pakiusap niya, be patient with him.

MATTHIAS copy copy

“My Tagalog is getting better naman, pag-aaralan kong mabuti and every week there is something difficult sa script ko. When I get the script for Super Ma’am, I read it and I can’t get it the first time, so I have to read it again,” sabi ni Matthias nang makausap namin sa taping ng action/fantasy series ng GMA-7.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nagpapasalamat si Matthias kina Marian, Direk LA Madridejos at sa buong staff dahil tinutulungan siya sa kanyang dialogue, lalo na kung maraming Tagalog words. Saka, pinapraktis siya ng mga kasama niya sa series by talking to him in Tagalog.

“Like si Marian, she talks to me in Tagalog and she switches to English ‘pag hindi ko maintindihan. She also gives me tips on acting which I appreciate. This is my first time to get a big role, everything is new to me and as a newbie, I’m doing everything I can and hopefully, the viewers like how I act as Trevor, my character.”

Gusto ni Matthias ang role niya bilang si Trevor na isang archaeologist dahil may big heart at mabuting tao. Masaya siya dahil, so far, maganda ang pagtanggap sa kanya ng viewers sa paggganap niya bilang si Trevor.

Anyway, may nadiskubre kami kay Matthias, bukod kay Marian, crush din niya si Sanya Lopez dahil gandang Pilipina. But nothing to worry ang fans nina Sanya at Rocco Nacino, wala siyang balak ligawan ang aktres dahil busy siya sa kanyang career. Crush lang naman, ‘wag nang mag-beast mode ang fans nina Sanya at Rocco.