Ni: Joseph Muego

NAGMULA sa Mandaluyong City ang pinakabagong milyonaryo nang tamaan ang jackpot prize ng 6/49 Super Lotto nitong Huwebes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Napagwagihan ng masuwerteng mananaya ang jackpot prize na P38,963,197,00 nang mabunot ang napili niyang kombinasyon na 22-15-01-28-11-06.

Tinayaan niya ang kombinasyon sa lotto outlet sa Pinatubo St, Mandaluyong City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May kabuuang 82 players na tumama sa limang numero na tatanggap ng tig- P11,270.00, ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Alexander F. Balutan.

Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo.