OKLAHOMA CITY (AP) – Sinimulan ni Russell Westbrook ang bagong season sa matikas na triple-double, na hindi nakapagtataka.

griffin-randle copy

Kung mayroong dapat bantayan sa Oklahoma City Thunder ay kung mababago ang hataw ng reigning MVP sa sitwasyong hindi na siya nag-iisa sa scoring load.

Sa kasalukuyan, tila walang dapat ipagamba, higit at kumana rin ng double digits score ang bagong All-Stars recruit na sina Carmelo Anthony at Paul George sa 105-84 dominasyon ng Thunder kontra New York Knicks nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Chesapeake Energy Arena.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kumubra si George ng 28 puntos, habang tumipa si Anthony ng 22 puntos at nagsalansan si Westbrook ng 21 puntos, 16 assists, at 10 rebounds.

Nanguna si Kristaps Porzingis sa naiskor na game-high 31 puntos at 12 rebounds sa Knicks.

CLIPPERS 108, LAKERS 92

Sa Los Angeles, napisot ang debut ni Lonzo Ball sa NBA nang pulbusin ng Clippers ang Lakers sa dinumog ng Staples Center.

Sa kabila ng pagkawala ni leading point guard Chris Paul, matikas ang ratsada ng Clippers na hindi nakatikim ng hamon sa Lakers. Umabot sa 30 puntos, 95-65, ang bentahe ng Clippers sa final period mula sa 22-6 run na tinuldukan ng dunk ni Willie Reed mula sa assist ni Austin Rivers.

Naguna si Blake Griffin na may game-high 29 puntos at 12 rebounds, habang natipa ni DeAndre Jordan ang 14 puntos at 24 rebounds.

RAPTORS 117, BULLS 101

Sa Toronto, ginapi ng Raptors, sa pangunguna nina Jonas Valanciunas na may 23 puntos at 15 rebounds, at C.J. Miles na may 22 puntos, ang Chicago Bulls.

Nag-ambag si Norman Powell ng 15 puntos sa Raptors, habang kumubra sina Delon Wright at Kyle Lowry ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.